Pangulong Tsino at hari ng Malaysia, nagtagpo

2024-09-20 18:13:54  CMG
Share with:

Nakipagtagpo Biyernes, Setyembre 20, 2024 sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay dumadalaw na Haring Sultan Ibrahim Sultan Iskandar ng Malaysia.

 

Tinukoy ni Xi na ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Malaysia, at taon ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Aniya, ibayo pang komprehensibong pinapalalim ng Tsina ang reporma, at pinapasulong ang pagbubukas sa labas sa mataas na lebel, bagay na magdudulot ng makabagong lakas-panulak at pagkakataon para sa kooperasyon ng kapuwa panig.

 

Kasama ng panig Malaysian, nakahanda aniya ang panig Tsino na palalimin ang estratehikong kooperasyon sa sarili nilang biyahe ng modernisasyon, at pasulungin ang pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Malaysia sa makabagong antas.

 

Diin ni Xi, bilang mga mahalagang miyembro ng rehiyong Asya-Pasipiko, mga umuunlad na bansa at bagong sibol na ekonomiya, kailangang gampanan ng magkabilang panig ang namumunong papel, upang bigyan ng mas masaganang nilalaman at katuturan ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa.

 

Susuportahan ng Tsina ang panunungkulan ng Malaysia bilang tagapangulong bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa susunod na taon, at nakahandang pasulungin, kasama ng panig Malaysian ang kooperasyon ng Silangang Asya at integrasyong ekonomiko ng rehiyon, palakasin ang pag-uugnayan at koordinasyon sa mga mainitang isyung pandaigdig, at gawin ang ambag sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, maging ng buong mundo, dagdag ni Xi.

 


Saad naman ni Haring Sultan Ibrahim, marami ang pakikinabang ng kanyang bansa sa Belt and Road Initiative (BRI).

 

Kasama ng panig Tsino, nakahanda aniya ang Malaysia na palalimin ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, konektibidad, kultura, edukasyon at iba pang larangan, at pasulungin ang bilateral na relasyon sa mas mataas na lebel.

 

Nakahanda rin aniya ang bansa, kasama ng Tsina, na gawin ang konstruktibong papel sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea.

 


Bago ang pagtatagpo, isang seremonyang panalubong ang inihandog ni Xi para kay Haring Sultan Ibrahim.

 

Salin: Vera