Riyadh, Saudi Arabia — Ginanap Setyembre 19, 2024 (lokal na oras) ang isang espesyal na aktibidad na pangkultura bilang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC).
Pinamagatang "Written in the Sky: My China Story," ang aktibidad ay magkakasamang itinaguyod ng China Media Group (CMG), Embahadang Tsino sa Saudi Arabia, at Sentro ng Siyentipikong Pananliksik at Pagpapalitan ng Kaalaman ng Saudi Arabia.
Sa kanyang video speech sa aktibidad, ipinahayag ni Presidente Shen Haixiong ng CMG na sa loob ng libu-libong taon, ginagamit ng mga Tsino ang mga brocade paper upang ihatid ang mga kuwentong nakaukit sa kanilang puso, pangmatagalang damdamin at taos-pusong pagbati.
Sa okasyon ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, pinasimulan aniya ng CMG ang aktibidad ng “Written in the Sky: My China Story” at magkakasunod na nakakatanggap ng mahigit 1,600 kuwento ng pag-ibig mula sa mahigit 60 bansa.
Sinabi ni Shen na naghahatid ang iba't ibang salita ng komong emosyon, kumakatawan sa malalim na pagsasama-sama ng mga damdamin at kultura ng iba’t-ibang bansa sa mundo, naglalaman ng lubos na pananabik ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa para sa kapayapaan at kagandahan.
Bukod pa riyan, bumigkas ng talumpati sa aktibidad sina Chang Hua, Embahador ng Tsina sa Saudi Arabia, at Dr. Yahiya Mahmoud bin Junaid, Direktor ng Sentro ng Siyentipikong Pananaliksik at Pagpapalitan ng Kaalaman ng Saudi Arabia.
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga kalahok na panauhin na nitong ilang taong nakalipas, nakakapagbigay ang Tsina ng katalinuhang Tsino para sa pagpapasulong ng kapayapaan at katahimikan sa Gitnang Silangan.
Inaasahan anila ng mga mamamayan sa Gitnang Silangan na mapapalalim ang pakikipagpalitan at pakikipagkooperasyong pangkultura sa Tsina upang mapatibay ang mapagkaibigang relasyon at kapit-bisig na makalikha ng mas magandang kinabukasan ng relasyon ng kapuwa panig.
Salin: Lito