Espesyal na aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo ng PRC, idinaos sa Berlin

2024-09-16 17:48:16  CMG
Share with:

 

Ginanap Setyembre 14, 2024, lokal na oras, sa Berlin, Alemanya, ang isang espesyal na aktibidad na pangkultura bilang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC).

 

Pinamagatang "Written in the Sky: My China Story," ang aktibidad ay magkakasamang itinaguyod ng China Media Group (CMG), Embahada ng Tsina sa Alemanya, at Sentro ng Edukasyon at Kooperasyon sa Wika sa ilalim ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina.

 

Itinanghal ng German Burg Chinese Chorus ang mga kantang Tsino at Aleman na kinabibilangan ng "On Wings of Song" at "Jasmine Flower."

 

Ang mga taikonaut ng Shenzhou-18 na kasalukuyang nasa space station ng Tsina sa kalawakan ay nagpadala ng isang video message sa mga kabataan ng Alemanya.

 

Ipinahayag ng mga panauhing Aleman ang pagbati sa ika-75 anibersaryo ng PRC, at ginawa nila ang pangakong harapin kasama ng Tsina ang mga pandaigdigang hamon at likhain ang mas magandang kinabukasan para sa sangkatauhan.

 

Sa kanya namang online na paglahok sa aktibidad, sinabi ni Presidente Shen Haixiong ng CMG, na laging nagsisikap ang Tsina para palakasin ang pandaigdigang pagpapalitang tao-sa-tao, pasulungin ang diyalogo sa pagitan ng iba’t ibang sibilisasyon, at palalimin ang mutuwal na pag-uunawaan.

 

Ang aktibidad na "Written in the Sky: My China Story" ay patuloy na idaraos sa iba pang mga bansang gaya ng Amerika, Kanada, Rusya, Australya, Saudi Arabia, Mexico, at Nigeria, dagdag niya.


Editor: Liu Kai