Xi Jinping, ipinahayag ang pagbati para sa Kapistahan ng Anihan ng mga Magsasakang Tsino

2024-09-22 16:44:44  CMG
Share with:

 

Ngayong araw, Setyembre 22, 2024, ay ang Autumnal Equinox, isa sa 24 na traditional Chinese solar terms, at ito rin ay ang ika-7 Kapistahan ng Anihan ng mga Magsasakang Tsino.

 

Sa okasyong ito, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati at pangungumusta sa mga magsasaka at mga tauhan sa sektor ng agrikultura at kanayunan sa buong bansa.

 

Binigyang-diin niyang, ang pagkakaroon ng matibay na pundasyon ng agrikultura at pagpapasulong sa komprehensibong pagyabong ng kanayunan ay mahalagang bahagi ng modernisasyong Tsino.

 

Dapat aniyang palakihin ang pakinabang na pangkabuhayan ng agrikultura, dagdagan ang kita ng mga magsasaka, at idulot ang higit pang kasiglahan sa kanayunan.

 

Nanawagan siya sa mga magsasaka at iba’t ibang sirkulo ng lipunan, na pag-ibayuhin ang pagsisikap para isakatuparan ang komprehensibong pagyabong ng kanayunan at patibayin ang pundasyon ng modernisasyon ng agrikultura at kanayunan at pagtatatag ng bansang malakas sa agrikultura.


Editor: Liu Kai