Tinanggap, Setyembre 22, 2024, ng Kinmen, ang unang grupong panturismo mula sa Chinese mainland sa loob ng mahigit 4 na taon.
Kinabibilangan ng higit 20 turista, dumating ang grupo sa Kinmen mula sa lunsod Xiamen, lalawigang Fujian, dakong timog silangan ng Chinese mainland at nagsimula ang kanilang dalawang araw na paglalakbay.
Matatandaang inanunsyo, Agosto 30, 2024 ng Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina, ang permisyon sa mga residente ng Fujian na makapaglakbay sa Kinmen.
Kaugnay nito, ipinanawagan ni Chen Yu-jen, isang lehislador ng Kinmen mula sa Democratic Progressive Party (DPP), na kanselahin ang kasalukuyang ban sa grupong panturismo mula sa Taiwan patungong mainland sa lalo madaling panahon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio