Nasa 500 kompanya sa kapuwa online at offline na plataporma ang lumahok sa Ika-14 na China International Digital Publishing Expo, na binuksan, Setyembre 21, 2024, sa lunsod Haikou, lalawigang Hainan sa dakong timog ng Tsina.
Kasama sa mga aktibidad ng ekspo ay mga eksbisyon, porum at ibang on-site na aktibidad, na nakapokus sa inobasyon sa didyital na nilalaman at akda, teknolohiya, tsanel’t uri ng negosyo, at iba pa.
Itinatanghal sa ekspo ang serye ng mga produktong didyital’t teknolohiya, mga produktong may lokal na karakteristiko, at iba pa.
Bukod diyan, idaraos din ng mga kalahok mula sa loob at labas ng bansa ang diskusyon sa pandaigdigang kooperasyon sa didyital na paglalathala para palakasin ang dekalidad na pag-unlad ng industriya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio