MoU sa paglathala ng mga sinaling obra maestra, nilagdaan ng Tsina at Thailand

2023-03-14 16:37:11  CMG
Share with:

Nilagdaan, Lunes, Marso 13, 2023 ng National Press and Publication Administration ng Tsina at Ministry of Higher Education, Science, Research and Innovation (MHESI) ng Thailand ang Memorandum of Understanding (MoU) hinggil sa paglathala ng mga sinaling obra maestra ng isa’t-isa.

 

Layon ng naturang MoU na ipatupad ang mahahalagang bunga ng kauna-unahang pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Thailand, at pormal na pagsisimula ng proyekto ng paglathala ng mga sinaling obra maestra ng isa’t-isa.

 

Ayon pa sa MoU, magkasamang isasalin at ilalathala ng panig Tsino’t Thai sa darating na 5 taon ang 50 klasikal na obra maestra, upang mapalalim ang pag-uunawaan at mapahigpit ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Ang naturang MoU ay inaasahang magbubunsod ng bagong pagkakataon at puwersang tagapagpasulong sa pagpapalitang tao-sa-tao ng kapuwa panig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio