Pagpapasulong ng hene-henerasyong etnikong pagkakaisa, ipinanawagan ng pangulong Tsino

2024-09-25 16:56:15  CMG
Share with:

Sa kanyang liham bilang sagot sa inapo ng mga representante ng magkakaibang etnikong grupong nagtayo ng monumento noong 1951 sa lalawigang Yunnan, dakong timog-kanluran ng Tsina at bilang solemnang pangako sa pagpapanatili ng pagkakaisa at pagsunod sa partido, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahalagahan ng tuluy-tuloy na pagsisikap para pasulungin ang hene-henerasyong etnikong pagkakaisa.

 

Ani Xi, dapat palakasin ng mga mamamayan ng lahat ng etnikong grupo ang diwa ng komunidad para sa Nasyong Tsino, at magsikap para sa mas dakilang etnikong pagkakaisa at pag-unlad.

 

Lumahok noong 1950 ang mga representante ng iba’t-ibang etnikong grupo ng Pu’er, Yunnan sa selebrasyon ng unang anibersaryo ng Repubilka ng Bayan ng Tsina (PRC) sa Beijing.

 

Kaugnay nito, idinaos noong Enero 1, 1951, ng mga mamamayan ng Pu’er ang pagtitipon ng panunumpa para itayo ang monumento alinsunod sa kanilang kostumbre.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio