Sa kanyang pakikipagtagpo, Setyembre 23, 2024 sa Beijing sa mga kinatawan ng mga siyentista’t inhinyerong pangkalawakan na kasangkot sa pananaliksik at pagpapaunlad ng Chang’e-6 lunar mission, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa mula’t mula pa’y iginigiit ng lunar probe mission ng Tsina ang simulain ng pagkakapantay-pantay, mutuwal na kapakinabangan, mapayapang paggamit, at win-win na kooperasyon.
Patuloy aniyang palalalimin ng bansa ang iba’t-ibang porma ng pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungang pangkalawakan, ibabahagi sa iba’t-ibang bansa ang bungang pangkaunlaran, at kukumpletuhin ang pangangasiwa sa kalawakan, para makinabang ang buong sangkatauhan sa bunga ng siyensiya’t teknolohiyang pangkalawakan.
Matatandaang noong nagdaang Hunyo, nakolekta ng Chang’e-6 ang materyales mula sa malayong panig ng buwan, sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Hinggil dito, sinabi ni Xi, na ito ay bagong pag-unlad sa mga masusing teknolohiya at mahalagang tagumpay sa paggagalugad pangkalawakan, siyensiya’t teknolohiya, at malakas na pagsulong para sa proyekto ng eksplorasyon sa Buwan ng Tsina.
Tinukoy niyang ang kalawakan ay komong espasyo ng sangkatauhan, at ang eksplorasyon sa kalawakan ay komong usapin ng sangkatauhan.
Aniya, ang mga Chang'e lunar mission ay mula sa Tsina, at mula sa buong sangkatauhan.
Ipinagkakaloob nito ang malawakang arena para sa pandaigdigang kooperasyong pansiyensiya’t pantenolohiya, at ibinibigay ang katalinuhan at puwersa ng Tsina para sa pandaigdigang eksplorasyon sa malalim na kalawakan, dagdag ni Xi.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Espesyal na kinatawan ng Pangulong Tsino, dumalo sa UN Summit of the Future
Sampol ng Buwan na dala ng misyon ng Chang'e-5, pumukaw ng interes ng mga taga-Bangkok
Mga siyentipikong Tsino, nakatuklas ng molecular water sa lunar soil sa unang pagkakataon
Chang'e-6 probe ng Tsina, lumapag sa far side ng Buwan: sample kokolektahin