Matagumpay na nailagay sa takdang orbita ng komersyal na raket ng Tsina (Lijian-1 (o Kinetica-1) Y4) ang limang satelayt, Setyembre 25, 2024.
Binuo ng CAS Space, lumipad alas siyete treinta y tres ng umaga (7:33), oras ng Beijing, ang naturang raket mula sa Jiuquan Satellite Launch Center sa hilagang-kanlurang bahagi ng Tsina.
Dalawa sa limang naturan ay kauna-unahang inilunsad na satelayt ng kompanyang AIRSAT satellite constellation, samantalang ang Jilin-1 SAR01A, Yunyao-1 21, at 22, ay para sa pagsusuri ng lupa, meteorolohikal na obserbasyon at iba pang larangan.
Salin: Lei Bidan
Pulido: Rhio