Huling pares ng backup satellite para sa BeiDou-3 system, inilunsad ng Tsina

2024-09-19 16:37:19  CMG
Share with:


Sakay ng Long March-3B rocket, inilunsad Huwebes, Setyembre 19, 2024, mula sa Xichang Satellite Launch Center, lalawigang Sichuan, timog kanluran ng Tsina ang huling pares ng backup satellite para sa BeiDou-3 Navigation Satellite System.

 

Palalakasin ng nasabing dalawang medium Earth orbit (MEO) satellite ang reliabilidad ng BeiDou-3 system, at pabubutihin ang mga serbisyong gaya ng positioning, navigation, timing, at short message communication para sa mga pandaigdigang user.

 

Bukod sa mga backup satellite, tumatakbo ngayon sa orbita ang 30 networking satellite ng BDS-3.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio