Ginanap, Setyembre 24, 2024 (lokal na oras) sa Moscow, Rusya, ang espesyal na aktibidad pangkultura bilang pagdiriwang sa Ika-75 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC).
Pinamagatang "Written in the Sky: My China Story" at itinaguyod ng China Media Group (CMG), ibinahagi rito ng maraming personahe sa buong daigdig ang kanilang kuwento hinggil sa Tsina.
Sa kanyang talumpati, binigyan-diin ni Presidente Shen Haixiong ng CMG na malalim ang ugat ng mga pamanang kultural ng Tsina.
Mayroon aniya itong mayamang humanismo, espirituwalidad at artistikong pagpapahayag.
Hanggang sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 1,600 kuwento mula sa mahigit 60 bansa, dagdag niya.
Ani Shen, ang magkakaibang kuwento sa iba’t-ibang wika at pinagtagpo sa isang pinagbabahaginang damdamin, ay sumasagisag sa makahulugang integrasyon ng kultura at emosyon sa mundo.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio