Espesyal na kinatawan ng Pangulong Tsino, dumalo sa UN Summit of the Future

2024-09-24 17:24:32  CMG
Share with:

Dumalo, Setyembre 23, 2024 si Wang Yi, Espesyal na Kinatawan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Ministrong Panlabas ng bansa, sa UN Summit of the Future.

 

Inilahad ni Wang ang mga paninindigang Tsino na kinabibilangan ng pagtatatag ng mapayapa at matatag na kinabukasan, pagtatatag ng masaganang kinabukasan, pagtatatag ng makatarungang kinabukasan at pagtatatag ng mas magandang kinabukasan.

 

Sa kasalukuyan, pinasusulong aniya ng Tsina ang konstruksyon ng modernisasyong Tsino ,at ito ay magdudulot ng bagong pagkakataon para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.

 

Ani Wang, kasama ng iba’t-ibang bansa, nakahandang pasulungin ng Tsina ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan at itatag ang mas maganda at mapayapang kinabukasan.

 

Sa parehong araw, magkahiwalay na nakipagtagpo si Wang kina Luhut Binsar Pandjaitan, Coordinating Minister for Maritime Affairs ng Indonesia at mga ministrong panlabas ng Lebanon, Venezuela, Panama, Ethiopia, Hungary at Hapon.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio