Sa kanyang liham kamakailan sa mga guro, estudyante at alumni ng Communication University of China (CUC) bilang pagbati sa ika-70 anibersaryo ng pagtatatag nito, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na umaasa siyang palalalimin ng unibersidad ang reporma at inobasyon, walang humpay na patataasin ang lebel ng pagtuturo at pananaliksik, at magsisikap upang makapagsanay ng mas maraming dekalidad na propesyonal sa pamamahayag at komunikasyon sa bagong panahon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio