Xi Jinping, sinagot ang liham ng mga estudyanteng nag-aaral ng wikang Tsino sa UAE

2024-05-26 23:26:42  CMG
Share with:

Sa kanyang liham kamakailan bilang sagot sa mga kinatawan ng mga estudyante sa proyekto ng sandaang paaralan ng edukasyon ng wikang Tsino sa United Arab Emirates (UAE), ini-enkorahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang naturang mga estudyante, na mas mabuting matutuhan ang wikang Tsino, mas malalim na maunawaan ang Tsina, at ibigay ang ambag para sa pagkakaibigan ng Tsina at UAE.

 

Sinabi rin ni Xi, na sa liham sa kanya mula sa mga estudyante, nararamdaman niya ang kanilang pagkamahilig sa kulturang Tsino, at pananabik sa pagkakaibigang Sino-UAE.

 

Ang proyekto ng sandaang paaralan ng edukasyon ng wikang Tsino sa UAE ay inilunsad noong Hulyo 2019 nina Xi at Sheikh Mohamed, crown prince noong panahong iyon ng Abu Dhabi ng UAE.

 

Hanggang sa kasalukuyan, may aralin ng wikang Tsino ang 171 paaralan sa UAE, at 71 libong estudyante ang nag-aaral ng wikang Tsino.


Editor: Liu Kai