Isyu ng Taiwan, pundasyon ng relasyong Sino-Hapones —— MOFA

2024-09-27 11:10:02  CMG
Share with:

Kaugnay ng kauna-unahang paglalayag ng isang destroyer ng Japanese Maritime Self-Defense Force sa Kipot ng Taiwan, ipinahayag Setyembre 26, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isyu ng Taiwan ay may kinalaman sa kabuuan ng soberanya at teritoryo ng Tsina.

 


Ito ang pulitikal na pundasyon ng relasyon ng Tsina at Hapon, at pulang linya na hindi maaaring tawirin, aniya.

 

Saad ni Lin, pinangangasiwaan ng Peoples Liberation Army (PLA) ng Tsina ang isyung ito alinsunod sa mga pambansang batas at regulasyon.

 

Lubos aniyang binabantayan ng Tsina ang intensyong pulitikal sa likod ng aksyong ito, at inilahad na ang protesta sa panig Hapones.

 

Hinihimok ng Tsina ang Hapon na sundin ang pangako, mag-ingat sa isyu ng Taiwan, huwag gumawa ng mga aksyon na makaka-apekto sa relasyong Sino-Hapones, at kapayapaan at katatagan ng magkabilang pampang ng Kipot ng Taiwan, dagdag ni Lin.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio