Ayon sa estadistikang inilabas Oktubre 14, 2024, ng General Administration of Customs ng Tsina, umabot sa higit 32.3 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng mga paninda ng Tsina noong unang tatlong kuwarter ng 2024.
Ito’y lumaki ng 5.3% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon, at sa kauna-unahang pagkakataon, ito ay lumampas sa 32 trilyong yuan RMB, dagdag ng kawanihan.
Samantala, umabot sa higit 15.2 trilyong yuan RMB ang pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina sa mga bansa ng “Belt and Road Initiative (BRI) ” na lumaki ng 6.3%.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio