Iba’t-ibang patakaran, magkakasabay na inilabas bilang suporta sa paglago ng ekonomiya ng Tsina

2024-09-24 16:14:55  CMG
Share with:

Sa news briefing, Setyembre 24, 2024, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, isinalaysay ng mga namamahalang tauhan ng People's Bank of China (PBC), National Financial Regulatory Administration (NFRA), at China Securities Regulatory Commission (CSRC) ang mga pinansiyal na suporta sa dekalidad na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, na kinabibilangang sabay-sabay na paglalabas ng mga kinauukulang patakaran, paggigiit ng supportive monetary policy, pagpapalakas ng pangangasiwa, at iba pa, para lalo pang ma-ayudahan ang paglakas ng kabuhayan ng bansa.

 

Ipinatalastas din ng PBC na papababain sa malapit na hinaharap ang 0.5 puntos-porsiyentong reserve requirement ratio, at ipagkakaloob ang nasa 1 trilyong yuan RMB sa pinansyal na merkado.

 

Kasabay nito, ibababa rin ang central bank policy rate, at seven-day reverse repos rate mula 1.7% sa 1.5%.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio