Sa kanyang talumpati sa pulong hinggil sa teoryang militar, Oktubre 14 hanggang 15, 2024, sa Beijing, hinimok ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar, at Pangulo ng bansa, ang mga kalahok na magsikap para komprehensibong mapalakas ang mga gawain sa teoryang militar sa makabagong bagong panahon, at mapa-unlad ang modernong teoryang militar na may katangiang Tsino.
Aniya, mabilis na nangyayari ang rebolusyong militar sa buong daigdig, at malalim ding nagbabago ang pangangailangan sa pag-unlad at seguridad ng Tsina, kaya nararapat agarang isakatuparan ang target ng pagtatatag ng malakas na militar at komprehensibong pagpapalakas ng mga gawain sa teoryang militar.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio