Ginanap Martes, Oktubre 15, 2024 sa Beijing ang isang seminar para pasulungin ang pag-aaral at pagpapatupad ng Kaisipan ni Xi Jinping sa Kultura.
Dumalo at nagtalumpati rito si Li Shulei, miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministro ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng CPC.
Inihayag ng mga kalahok na kailangang malalimang pag-aralan at ipatupad ang nasabing kaisipan, magpunyagi para sa kasaganaan ng sektor ng kultura at sining, at hangarin ang patuloy nitong pagpapataas ng antas.
Nanawagan din sila para sa lubusang paggagalugad ng kontemporaryong halaga ng katangi-tanging tradisyonal na kultura ng Tsina, at kumuha ng inspirasyon mula sa mga namumukod na kultura ng ibang bansa.
Dapat igiit ang pamumuno ng Partido sa mga gawain ng kultura at sining, at matapat na ipatupad ang mga simulain at polisya ng Partido sa kaukulang gawain, dagdag nila.
Salin: Vera
Pulido: Rhio