Binigyan-diin kamakailan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na ang pagtatatag ng China Resources Recycling Group ay isang mahalagang desisyon na ginawa ng Komite Sentral ng CPC para mapabuti ang berde at mababang karbon na sistema ng ekonomiya at komprehensibong pasulungin ang konstruksyon ng isang magandang Tsina.
Tinukoy din ni Li Qiang, miyembro ng Pirmihang Lupon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC at Premyer ng Tsina, na kailangang lubusang ipatupad ang mga desisyon at kapasiyahan ng Komite Sentral ng CPC at mahalagang tagubilin ni Pangulong Xi, para ang naturang grupo ay maging primera klase sa daigdig, at mag-ambag upang garantiyahan ang pambansang seguridad ng yaman at pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad ng ekonomiya at lipunan.
Idinaos umaga ng Oktubre 18, 2024, sa munisipalidad ng Tianjin ng Tsina, ang kumperensya ng pagtatatag ng China Resources Recycling Group.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil