Pangulong Tsino, hiniling ang pagpapasulong ng modernisadong konstruksyon ng Anhui

2024-10-18 15:26:25  CMG
Share with:

Sa kanyang paglalakbay-suri sa lalawaigang Anhui ng Tsina mula Oktubre 17 hanggang 18, 2024, idiniin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulong Tsino, na dapat maayos na samantalahin ng lalawigang Anhui ang mga pambansang estratehiya sa pag-unlad at isakatuparan ang ideya ng pag-unlad ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) para pasulungin ang modernisadong konstruksyon ng lokalidad.


Kaugnay nito, tinukoy ni Xi na dapat pabilisin ang inobasyon ng agham at teknolohiya at pagtaas at pagbabago ng mga industriya, pasulungin ang malalimang reporma at de-kalidad na pagbubukas, itatag ang bagong estruktura ng magkasamang pag-unlad ng kanayunan at lunsod, at ibayo pang patingkarin ang papel ng kultura at turismo sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil