Friday, 25  Apr

Mutuwal na paggalang, pundasyon ng relasyon ng Rusya at Tsina - Putin

2024-10-20 16:29:00  CMG
Share with:

 

Sa kanyang pakikpagtagpo, Oktubre 18, 2024, sa Moscow, sa mga kinatawan ng mga pangunahing media ng mga bansang BRICKS, sinabi ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na ang mutuwal na paggalang ay pundasyon ng relasyon ng Rusya at Tsina.

 

Batay sa pantay at mutuwal na benepisyo, mabilis aniyang lumalaki nitong mga taong nakalipas ang kalakalan ng Rusya at Tsina, at natutupad ang pangako sa pakikinig sa isa't-isa at pangangalaga sa mga interes ng bawat isa.

 

Ginagawa rin aniya ng dalawang bansa ang magkasamang pagsisikap para panatilihin ang mainam na relasyon at kooperasyon.

 

Kaugnay naman ng relasyong Ruso-Sino sa hinaharap, sinabi ni Putin na patuloy na palalakasin ang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng enerhiya, agrikultura, imprastruktura, siyensiya at teknolohiya.

 

Sa naturang pagtatagpo, binanggit din ni Putin ang gagawing summit ng mga bansang BRICKS sa Kazan, Rusya.

 

Ito aniya ang unang summit ng BRICKS pagkaraan ng ekapansyon nito sa sampung kasaping bansa.

 

Ang paglahok ng mga bagong miyembro sa isang pinagbabahaginang balangkas ay nagkakaloob ng plataporma sa lahat para magpalitan ng palagay at magpalawak ng kooperasyon, hindi lamang sa kabuhayan, kpati na rin sa kultura, kabataan, at maraming iba pa, saad ng pangulong Ruso.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan