Mataas na antas na pagbubukas sa labas para sa reporma’t pag-unlad, ipinagdiinan ng pangulong Tsino

2024-10-21 17:02:58  CMG
Share with:

Oktubre 20, 2024, munisipalidad Tianjin, hilagang Tsina – sa kanyang talumpati sa simposyum kaugnay ng ika-40 anibersaryo ng unang grupo ng mga pambansang sona ng pagpapaunlad ng kabuhayan at teknolohiya, inihayag ni Pangalawang Premyer He Lifeng ng Tsina ang mga instruksyon ni Pangulong Xi Jinping ng bansa hinggil sa pangangailangan sa tuluy-tuloy na pagpapalakas ng inobasyon at panloob na sigla, at pagpapasulong sa mataas na antas ng pagbubukas sa labas para palalimin ang reporma at dekalidad na pag-unlad.

 

Technicians operate an intelligent warehouse at an intelligent equipment company in Changxing Economic and Technological Development Zone of Huzhou City, east China's Zhejiang Province, June 16, 2021. /CFP 


Ang pagtatatag ng mga sona ng pagpapaunlad ng kabuhayan at teknolohiya sa lebel ng estado ay mahalagang hakbangin para sa Tsina upang mapabuti ang reporma at pagbubukas sa labas, ayon pa sa atas ni Xi.

 

Inenkorahe rin niya ang mga sona na aktibong makisangkot sa dekalidad na kooperasyon ng Belt and Road, palawakin ang pandaigdigang kooperasyon, likhain ang paraan ng pag-akit sa mga dayuhang pahunan, at pasulungin ang mga mataas na kalidad, berde at didyital na industriya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio