Xi Jinping, bumati sa bagong pangulo ng Indonesya

2024-10-20 16:26:25  CMG
Share with:


Sa kanyang mensahe ngayong araw, Oktubre 20, 2024, bilang pagbati kay Pangulong Prabowo Subianto ng Indonesya sa kanyang pasinaya sa posisyon, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang kanyang bansa at Indonesya ay magkapitbansang may tradisyonal na pagkakaibigan.

 

Tuluy-tuloy at matatag aniyang lumalakas ang komprehensibo at estratehikong pagkakatuwang ng dalawang panig, at sa katunayan ay dumating na ang yugto ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan.

 

Tinukoy pa niyang, sa susunod na taon ay ipagdiriwang ang ika-75 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Indonesya, at ito ay magkakaloob ng mga bagong pagkakataon sa pagsusulong ng kooperasyon.

 

Kasama ni Pangulong Prabowo, nakahanda aniya siyang palakasin ang estratehikong pag-uugnayan ng Tsina at Indonesya; patnubayan ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa tungo sa mas mataas na antas; at pasulungin ang komong pag-unlad, pagkakaisa, pagtutulungan, at win-win na kalagayan.

 

Samantala, bilang kinatawan ni Pangulong Xi, dumalo ngayong araw sa Jakarta si Pangalawang Pangulong Han Zheng ng Tsina sa inagurasyon ni Pangulong Prabowo.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan