Aktibidad ng pagpapalitan ng kultura bilang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya, idinaos

2024-10-23 15:57:51  CMG
Share with:

Idinaos kahapon, Oktubre 22, 2024 sa Kazan, Rusya ang aktibidad ng pagpapalitan ng kultura bilang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya.


Magkasamang itinaguyod ng China Media Group (CMG) at Russian State Television and Radio Broadcasting Company ang aktibidad na ito.


Sa aktibidad na ito, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na ang taong 2024 ay taon ng kultura ng Tsina at Rusya.


Saad niya na palagiang nagsisikap ang CMG para pasulungin ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at sa susunod na yugto, pahihigpitin ng CMG ang kooperasyon sa mga mainstream media ng Rusya para ipagkakaloob ang mas maraming programa para sa taon ng kultura ng dalawang bansa.


Sinimulan din sa aktibidad na ito, ang pagtatanghal ng CMG na pinamagatang Journey through Civilization at pagsasahimpapawid ng mga programa ng CMG sa Rusya.


Bukod dito, nilagdaan ng CMG at mga media ng Rusya ang dokumento ng kooperasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil