Global South Think Tank Forum, idinaos

2024-10-17 17:08:19  CMG
Share with:

Sa pagtataguyod ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at China Media Group (CMG), idinaos kahapon, Oktubre 16, 2024, sa Beijing, ang Global South Think Tank Forum sa ilalim ng temang “Kapayapaan, Kaunlaran, Katiwasayan – Magkakasamang Pagtatatag ng Masaganang Mundo na May Pinagbabahaginang Kinabukasan.”


Sa kani-kanilang naka-video na mensahe sa porum, kapawa ipinahayag nina Liu Jianchao, Puno ng International Department, at Shen Haixiong, Presidente ng CMG, ang kahandaan ng Tsina, kasama ng iba pang mga bansa ng Global South, na isabalikat ang mga karapat-dapat na responsibilidad, ipatupad ang Global Development Initiative, Global Security Initiative, at Global Security Initiative, at ibigay ang mas malaking ambag para sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Lumahok naman sa porum ang mga estadista, opisyal ng pamahalaan, iskolar ng think tank, at kinatawam ng media ng 76 na bansa ng daigdig, na kinabibilangan ng Pilipinas, at tinalakay nila ang tungkol sa pagpapalakas ng pagkakaisa at pagtutulungan ng Global South.


Salin: Frank

Pulido: Rhio