Seremonya ng pagsasahimpapawid ng ikatlong season ng “Classic Quotes by Xi Jinping” sa wikang Ruso, idinaos sa Kazan

2024-10-23 16:03:17  CMG
Share with:

Sa okasyon ng paglahok ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-16 BRICS Summit sa Kazan, Rusya, idinaos Oktubre 22, 2024, (lokal na oras), sa Kazan, ang seremonya ng pagsisimula ng pagsasahimpapawid ng ikatlong season ng “Classic Quotes by Xi Jinping” sa wikang Ruso na ginawa ng China Media Group (CMG).



Ipinadala ng tanggapan ng Pangulo ng Rusya ang liham na pambati sa seremonya na nilahukan ng mahigit 300 tauhan, kabilang na ang mga kilalang personalidad mula pulitika ng Rusya, media, at sirkulo ng edukasyon. 


Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na gaya ng nakasanayan, itatala at itataguyod ng CMG ang pagkakaibigan ng Tsina at Rusya. 



Nakahanda aniya ang CMG na magsikap kasama ng lahat ng sektor ng Rusya para tulungan ang pagtatatag ng komunidad ng may pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.


Salin:Sarah

Pulido:Ramil