Nilagdaan,Oktubre 23,2024 ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang isang kautusan ng Konseho ng Estado, na naglalabas ng regulasyon sa pampublikong transportasyon sa mga lunsod.
Magkakabisa sa Disyembre 1 ngayong taon ang regulasyon na may 6 na kabanata at 55 probisyon, at layong nitong maitayo ang ligtas, maginhawa, mahusay, berde at matipid na sistema ng pampublikong transportasyon sa mga lunsod.
Hinihiling din nito sa mga may kinalamang sangay ng pamahalaan ang pagsisikap upang mapahusay ang mga serbisyo ng pampublikong transportasyon at pagtiyak sa kaligtasan.
Salin: Lei Bidan
Pulido: Rhio