Maginhawa’t mabisang network ng transportasyon na umaabot sa lahat ng mga direksyon

2024-01-04 15:43:44  CMG
Share with:

Ang taong 2023 ay ika-45 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas.

 

Bilang ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang Tsina ay nagsisilbing pangunahing stabilizer at makina ng paglago ng kabuhayang pandaigdig.

 

Samantala, napakalaking pagbabago ang nangyayari sa paraan ng pamamasyal ng mga Tsino, at nabuo ng bansa ang pinakamabisa’t pinakamaginhawang network ng transportasyon sa daigdig.


Noong katapusan ng 1980s, ang bisikleta ay pangunahing paraan ng pamamasyal ng mga mamamayan.


Zhoushan Sea-crossing Bridge, lalawigang Zhejiang, larawang kuha Oktbure 2, 2023

 

Ayon sa pinakahuling datos ng China Association of Automobile Manufacturers, umabot sa 30 milyon ang kabuuang bilang ng pagbebenta ng sasakyang de motor sa buong bansa, at ito ay lumaki ng 11.7% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Bus station sa Central Avenue ng lunsod Guangzhou, lalawigang Guangdong noong 1976


Self-driving sightseeing bus sa lunsod Xiangyang, lalawigang Hubei


Kabilang dito, lalampas sa 9 milyon ang kabuuang bilang ng produksyon at pagbebenta ng mga sasakyang de motor na gamit ang bagong enerhiya.

Nangunguna rin sa daigdig ang industriyalisasyon ng intelligent connected vehicle (ICV) ng Tsina.

 

Noong 2022, 289.4 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng merkado ng intelligent driving industry ng Tsina, at tinayang aabot sa halos 1 trilyong yuan ang datos na ito sa taong 2025.

 

Bukod pa riyan, naisakatuparan ng daambakal ng Tsina ang napakalaking pag-unlad, at ngayon, nakikipag-ugnayan sa buong mundo ang network ng daambakal nito.

 

Daambakal sa pagitan ng lalawigang Hubei at munisipalidad ng Chongqing noong 1978


Fuxing bullet train na tumatakbo sa Beijing-Shanghai High-speed Railway


Hanggang Nobyembre 30, 2023, lumampas sa 155,500 kilometro ang kabuuang haba ng mga naisaoperasyong daambakal ng bansa.

 

Kabilang dito, 43,700 kilometro ang kabuuang haba ng high-speed railway.

 

Kapuwa nangunguna sa mundo ang nasabing dalawang datos.

 

Isang China-Europe freight train na naghahatid ng mga paninda mula lunsod Hefei, lalawigang Anhui ng Tsina papuntang Europa


Mula noong Enero hanggang Nobyembre ng 2023, umabot sa 16,415 ang freight trips sa pagitan ng Tsina at Europa, at 1.749 milyong Twenty-foot Equivalent Unit (TEUs) ang kabuuang bolyum ng inihatid na paninda.


Salin: Vera


Pulido: Ramil