Sa kanyang pagdalo’t talumpati ngayong umaga, Oktubre 24, 2024 (lokal na oras), sa Diyalogo ng BRICS Plus sa Kazan, Rusya, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sinasagisag ng kolektibong pag-ahon ng Pandaigdigang Timog ang malaking pagbabago ng buong mundo.
Sa kabila nito, kinakaharap pa rin aniya ng kapayapaan at kaunlaran ng daigdig ang mahigpit na hamon.
Kaya, dapat aniyang gamitin ang kolektibong karungungan at lakas para sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Dagdag niya, kailangan ding pangalagaan ang kapayapaan at isakatuparan ang komong seguridad.
Para rito, sinabi niyang aktibong sinusuportahan ng Global Security Initiative ang iba’t-ibang panig, at dahil dito, natamo ang maraming mahalagang bunga sa maraming larangang tulad ng pangangalaga sa katatagan ng rehiyon.
Nararapat din aniyang pasulungin ang pagpapahupa ng krisis ng Ukraine at isagawa ang ganap na tigil-putukan sa Gaza Strip, muling simulan ang “Two-State Solution,” at itigil ang paglala ng sagupaan sa Lebanon.
Binigyan-diin ni Xi ang kahalagahan ng pag-unlad at pagsasakatuparan ng komong kasaganaan.
Dapat aktibong lahukan at pamunuan ang reporma ng pandaigdigang sistema ng ekonomiya, at bigyan ng sentral na katayuan ang pag-unlad sa iskedyul ng pandaigdigang kabuhayan at pangkalakalan, aniya.
Ipinahayag ni Xi na dapat magkakasamang pabutihin ang sibilisasyon.
Dapat pasulungin ang koordinasyon at diyalogo, suportahan ang isa’t-isa na tumahak sa landas na angkop sa kalagayan ng sariling bansa, saad niya.
Pamumunuan aniya ng Tsina ang pagtatatag ng Global South think tank cooperation alliance para pasulungin ang pagpapalitang kultural at tao-sa-tao, at pag-aaral sa pamamahala sa bansa ng isa’t-isa.
Saad pa niya, sa ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), tinalakay ang ibayo pang komprehensibong pagpapalalim ng reporma tungo sa pagpapasulong ng modernisasyong Tsino, at tiyak nitong ipagkakaloob ang mas maraming pagkakataon sa buong dagdig.
Sinabi pa niyang, anuman ang mga pagbabago sa pandaigdigang situwasyon, laging suportado ng Tsina ang pagsangkot ng mas maraming bansa ng Pandaigdigang Timog sa usapin ng BRICS para magkakasamang pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio