CMG Komentaryo: Plano ng Tsina, patnubay sa direksyon ng mas malawak na kooperasyon ng BRICS

2024-10-24 16:02:44  CMG
Share with:

Matagumpay na idinaos, Oktubre 23, 2024 sa Kazan, Rusya ang Ika-16 na BRICS Summit, kung saan tinalakay ng mga lider ng iba’t-ibang bansa ang plano sa kooperasyon ng grupo, inilabas ang Deklarasyon ng Kazan, at inanunsyo ang paglahok ng mga katuwang ng BRICS.

 

Sa kanyang talumpati, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat maging pangunahing tsanel ang BRICS sa pagtataguyod ng pagkakaisa at pagtutulungan ng “Pandaigdigang Timog,” at nangungunang puwersang tagapagsulong sa reporma ng pandaigdigang pangangasiwa.

 

Para rito, iminungkahi niyang magpokus ang BRICS sa limang aspektong kinabibilangan ng kapayapaan, inobasyon, berdeng pag-unlad, katarungang pandaigdig, at pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Pinatnubayan ng talumpati ni Xi ang katayuang pandaigdig, landas ng pag-unlad tungo sa mas malawak na kooperasyon BRICS, at nagkaloob ng planong Tsino sa de-kalidad na pag-unlad ng nasabing kooperasyon.

 

Pinaghalu-halo sa mga mungkahi ang mga inisyatibang pandaigdig na inilunsad ng Tsina, sariling karanasan sa pag-unlad, ekspektasyon sa pag-unlad ng BRICS, at pag-asa ng komunidad ng daigdig, na makakatulong sa pagpapalakas ng pag-asa sa sarili at sariling pag-unlad ng mga bansang kasapi.

 


Ang BRICS ay may kabuhayang katumbas ng 30% ng buong mundo, may populasyong halos kalahati ng populasyon sa daigdig, at may bolyum ng kalakalan na halos 1/5 ng buong daigdig.

 

Kaya malaki ang pananabik ng daigdig sa pagbibigay ng mas maraming ambag ng BRICS sa pangangalaga ng kapayapaan at katatagan.

 

Sa kasalukuyan, mayroong mahigit 30 bansa ang nais lumahok sa grupo.

 

Sa ilalim ng suporta at pagpapasulong ng panig Tsino, inanunsyo sa kasalukuyang summit ang paglahok ng mga katuwang ng BRICS, at ito ay kinikilalang napakahalagang progreso ng summit.

 

Kasabay ng pagsapi ng mas maraming miyembro sa malaking pamilya ng BRICS, inaasahang magiging mas malakas ang puwersang sumusuporta sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng mundo.

 

Salin: Vera

 

Puldio: Rhio