Pangulo ng Finland, dadalaw sa Tsina

2024-10-25 16:42:47  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, isasagawa mula Oktubre 28 hanggang 31, 2024 ni Alexander Stubb, Pangulo ng Finland, ang dalaw-pang-estado sa Tsina.

 


Kaugnay nito, ipinahayag Oktubre 25, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Finland ay isa sa mga bansang kanluranin na pinakamaagang kinilala ang People's Republic of China.


 

Nakahanda aniya ang Tsina na panatilihin ang pakikipagpalitan sa Finland sa mataas na antas, ipagpatuloy ang tradisyunal na pagkakaibigan, palakasin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mga larangang tulad ng ekonomiya, kalakalan, pamumuhunan, berdeng pagbabago, magkasamang harapin ang mga hamong pandaigdig, at itaguyod ang walang humpay na pag-unlad ng relasyong Sino-Finnish.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio