Isang mensahe ang ipinadala Biyernes, Pebrero 16, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Alexander Stubb, upang bumati sa kanyang pagkahalal bilang pangulo ng Finland.
Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na ilang taon, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng kapuwa panig, ipinagpatuloy ng relasyon ng Tsina’t Finland ang tradisyonal na pagkakaibigan, at walang humpay na natamo ang mga bagong progreso.
Sa mula’t mula pa’y iginigiit ng dalawang bansa ang paggagalangan, pantay na pakikipamuhayan, mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon, at ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang larangan ay naghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan nila, anang mensahe.
Kasama ni Pangulong Stubb, nakahanda si Xi na magsikap, para ipagpatuloy ang pagkakaibigan ng dalawang bansa; malalimang pasulungin ang bagong kooperatibong partnership ng Tsina at Finland tungo sa hinaharap, sa pamamagitan ng diyalogo at kooperasyon; magkasamang harapin ang mga hamong pandaigdig; at pasulungin ang kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Salin: Vera