Kinabukasan ng Taiwan, nakabase sa ganap na unipikasyon ng bansa

2024-10-26 11:11:21  CMG
Share with:

Sa okasyon ng paggunita Oktubre 25, 2024 ng iba’t-ibang sektor ng rehiyong Taiwan sa ika-79 na anibersaryo ng pagkabawi ng Taiwan, binisita ni Lai Ching-te, lider ng rehiyong Taiwan ang Kinmen at nagsabing “hindi niya pahihintulutan ang anumang dayuhang puwersa sa pagbabago ng teritoryo ng Taiwan.”


Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhu Fenglian, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Taiwan, na walang anumang kinabukasan ang pagpapasulong ng “pagsasarili ng Taiwan.”


Ani Zhu, ang kinabukasan ng Taiwan ay nakabase sa ganap na unipikasyon ng bansa at dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino.


Hindi dapat makalimutan ang kasaysayan ng pagbalik ng Taiwan sa Tsina, at di-mahahadlangan ang pangkalahatang tunguhin ng kasaysayan na tiyak na maisasakatuparan ang unipikasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait, dagdag pa niya.


Salin: Lito

Pulido: Ramil