Sa kanyang mensahe, Oktubre 27, 2024, kay Taneti Maamau, bilang pagbati sa kanyang muling pagkahalal bilang Pangulo ng Kiribati, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang dalawang bansa ay mabuting magkaibigan, mainam na magkatuwang at matalik na magkapatid.
Ani Xi, sinasaksihan ng Tsina at Kiribati ang lumalaking mutuwal na pagtitiwalaang pulitikal, mabungang praktikal na kooperasyon at malapit na pagpapalitang tao-sa-tao’t sub-nasyonal, sapul nang itinatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa noong Setyembre 2019.
Palagian aniyang sinusuportahan ng dalawang panig ang isa’t-isa sa mga isyung may kinalaman sa mga nukleong interes at pangunahing pagkabahala.
Kasama ni Maamau, sinabi ni Xi na magsisikap siya para pasulungin ang katatagan at mahabang panahong pag-unlad ng bilateral na relasyon ng Tsina at Kiribati tungo sa mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio