Mensaheng pambati, ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Luong Cuong

2024-10-22 20:58:01  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala Oktubre 22, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Luong Cuong bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng Biyetnam.


Sa mensahe, sinabi ni Xi na buong tatag na sinusuportahan ng panig Tsino ang panig Biyetnames sa pagtahak sa sosyalistang landas na angkop sa kalagayang pang-estado ng Biyetnam.


Lubos aniyang pinahahalagahan ni Xi ang pagpapaunlad ng relasyon sa Biyetnam. Nakahanda siyang magsikap kasama ni Luong Cuong upang bigyang-patnubay ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasang Sino-Biyetnames at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, diin pa ni Xi.


Salin: Lito