Beijing — Sa kanyang pakikipag-usap Nobyembre 1, 2024 kay Juraj Blanar, dumadalaw na Ministring Panlabas ng Slovakia, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na ang kapasiyahan ng kapuwa bansa na pataasin ang relasyong Sino-Slovak sa estratehikong partnership, ay makakapagbigay ng malakas na kasiglahan sa kooperayson sa iba’t-ibang larangan.
Umaasa aniya siyang magkasamang maipapatupad ng mabuti ang mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa para mapasulong ang matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon.
Kaugnay ng relasyong Sino-Europeo, ipinagdiinan ni Wang na ang Tsina at Europa ay magkatuwang sa halip ng magkalaban.
Umaasa siyang igigiit ng panig Europeo ang obdiyektibo at makatwirang saloobin upang kapit-bisig na mapanatili ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo, diin pa niya.
Ipinahayag naman ni Blanar na buong tatag na iginigiit ng Slovakia ang prinsipyong isang-Tsina.
Inaasahan aniya niyang bilang bagong panimulang punto ng pagtatatag ng estratehikong partnership, mapapasulong ang mas malaking pag-unlad ng bilateral na relasyon ng kapuwa bansa.
Salin: Lito
Pulido: Ramil