Magkasanib na pagsasanay militar na panghimpapawid, isinagawa ng T. Korea, Amerika, at Hapon

2024-11-03 19:44:27  CMG
Share with:

 

Isiniwalat ngayong araw, Nobyembre 3, 2024, ng Joint Chiefs of Staff ng Timog Korea, na isinagawa nang araw ring iyon ng sandatahang lakas nito, Amerika, at Hapon ang magkasanib na pagsasanay militar na panghimpapawid, na nilahukan ng B-1B strategic bomber ng tropang Amerikano.

 

Ayon pa sa Timog Korea, ang pagsasagawa ng ensayo ay bilang tugon sa subok-lunsad, Oktubre 31 ng Hilagang Korea ng isang bagong intercontinental ballistic missile.

 

Ito ang ika-apat na paglipad ng B-1B bomber ng Amerika sa Korean Peninsula sa loob ng taong ito, at ito rin ang ikalawang magkasanib na pagsasanay militar na panghimpapawid ng tatlong bansa ngayong taon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan