Situwasyon sa Peninsula ng Korea, ikinababahala ng Tsina

2024-10-16 15:49:16  CMG
Share with:

Inihayag, Oktubre 15, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na malapit na kapit-bahay ng Tsina ang Peninsula ng  Korea, at nag-aalala ang panig Tsino sa situwasyon sa naturang lugar, at relasyon ng Hilaga at Timog Korea.

 

Ang tensyonadong situwasyon sa nasabing lugar ay hindi aniya ayon sa pangkalahatang interes ng lahat ng may kinalamang partido, at kailangang iwasan ang paglala ng kasalukuyang kalagayan.

 

Hinggil dito, sinabi niyang di-nagbabago ang pangako ng Tsina sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa Peninsula ng Korea at pagtataguyod ng pulitikal na kalutasan sa isyu ng Hilaga at Timog Korea.

 

Umaasa kami na isasagawa ng lahat ng partido ang magkasanib na pagsisikap para sa layuning ito, aniya pa.


Salin: Lei Bindan

Pulido: Rhio