Seremonya ng pagbubukas ng Ika-7 CIIE, dadaluhan ng premyer Tsino

2024-11-03 19:40:12  CMG
Share with:


Ini-ulat ngayong araw, Nobyembre 3, 2024, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina (MOC), na dadalo si Premyer Li Qiang ng bansa sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-7 China International Import Expo (CIIE).

 

Ayon naman sa Ministring Panlabas ng Tsina, sa paanyaya ni Premyer Li, dadalo rin sa seremonya ng pagbubukas at iba pang aktibidad, sina Punong Ministro Anwar Ibrahim ng Malaysia, Punong Ministro Abdulla Aripov ng Uzbekistan, Punong Ministro Robert Fico ng Slovakia, Punong Ministro Olzhas Bektenov ng Kazakhstan, Punong Ministro Luvsannamsrai Oyun-Erdene ng Mongolia, at Punong Ministro Milos Vucevic ng Serbia.

 

Ang Ika-7 CIIE ay nakatakdang idaos mula Nobyembre 5 hanggang sa 10 sa lunsod Shanghai.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan