US$420 bilyong halaga ng kasunduan, ipinasilita ng CIIE

2024-10-24 15:35:47  CMG
Share with:


Inihayag,Oktubre 23,2024 ni Asistenteng Ministro ng Komersyo Tang Wenhong ng Tsina, na gaganapin sa lunsod Shanghai ang Ika-7 China International Import Expo (CIIE) mula Nobyembre 5 hanggang 10.

 

Aniya, sa unang anim na CIIE, mahigit 2,500 bagong produkto, teknolohiya, at serbisyo ang unang ipinakita, at ang kabuuang halaga ng mga napagkasunduang transaksyon ay nasa higit US$420 bilyon.

 

Dahil sa perya, nakapagtayo ng mga bagong tindahan, pabrika, at mga sentro ng pananaliksik at pagdedebelop sa Tsina ang mga dayuhang kompanya, dagdag ni Tang.

 

Bukod pa rito, ang CIIE ngayong taon ay magkakaroon aniya ng mga eksibitor mula sa 37 umuunlad na bansa, at mahigit 120 libreng puwesto ang ibibigay upang suportahan ang kanilang pakikilahok.

 

Saklaw ang mahigit 420,000 metro kuwadrado, tatanggapin ng perya ngayong taon ang mga kalahok mula sa 152 bansa at iba't-ibang internasyonal na organisasyon.

 

Kaugnay nito, nasa 297 Fortune Global 500 na kompanya at mga lider ng industriya ang dadalo sa eksibisyon ng negosyo.

 

Maliban diyan, isang bagong sona para sa mga materyales na magtatampok ng mga makabagong produkto, teknolohiya, at serbisyo ang papakita sa kauna-unahang pagkakataon ngayong taon.

 

Kasabay ng Ika-7 CIIE, gaganapin din ang Hongqiao International Economic Forum, na magkakaroon ng isang pangunahing porum at 19 na tematikong sub-porum.

 

Ito ay magbibigay ng mahalagang plataporma para sa malalim na talakayan tungkol sa tunguhin ng pandaigdigang ekonomiya at koordinasyon ng mga polisiya.

 

Salin: Yan Shasha


Pulido: Rhio