Opisyal na inilabas, hapon, Nobyembre 5, 2024, ang “World Openness Report 2024,” sa isang internasyonal na simposyum na idinaos sa Ika-7 Hongqiao International Economic Forum (HQF).
Sa naturang ulat, malalimang tinalakay ang mga maiinit na isyu sa larangan ng pagbubukas sa labas ng buong dagdig, tulad ng pambansang kakayahan sa pagbubukas sa labas, pandaigdigang patakaran sa pagbubukas sa labas, pagbangon ng “Global South,” at multilateral na sistemang pangkalakalan.
Kasabay nito, nakatuon ang ulat sa mga paksang kinabibilangan ng New Quality Productivity Forces, magkakasamang pagtatatag ng “Belt and Road Initiative,” at malalim na binibigyang-kahulugan ang matagumpay na karanasan ng Tsina sa pagpapasulong ng malalim na antas ng reporma at de-kalidad na pag-unlad na may mataas na pagbubukas, at inilalahad ang mga mungkahi para sa pagpapabuti ng pandaigdigang sistema ng pamamahala sa ekonomiya at pagbuo ng isang bukas na ekonomiya sa mundo.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil Lito