Si Xi Jinping at CIIE

2024-11-06 13:39:48  CMG
Share with:

Binuksan Nobyembre 5, 2024 sa Shanghai ang ika-7 China International Import Expo (CIIE) na nilahukan ng 3496 na kompanya mula sa 129 na bansa at rehiyon.


Noong Mayo ng 2017, ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagdaraos simula 2018 ng CIIE, bilang ekspo sa antas ng estado para sa pag-aangkat, at ito ay unang ganitong ekspo sa buong mundo.


Sa kanyang talumpati sa unang CIIE, inihayag ni Xi na ang pagdaraos ng CIIE ay mahalagang hakbangin ng Tsina para pasulungin ang de-kalidad na pagbubukas sa labas.


Sapul noong 2017, isinagawa ng ilang kanluraning bansa ang patakarang decoupling at trade protectionism. Ang mga ito ay malubhang nakapinsala sa multilateralismo at malayang kalakalan ng daigdig.


Bilang tugon, sa kanyang mga talumpati sa limang CIIE, maraming beses na inulit ni Xi ang salitang “pagbubukas,” at ipinatalastas niya ang mga mungkahi at hakbangin ng Tsina para rito.


Mula 2020 hanggang 2022, malubhang naapektuhan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang pandaigdigang kabuhayan at lipunan.


Sa ika-4 na CIIE noong 2021, idiniin ni Xi na hindi magbabago ang determinasyong Tsino sa pagpapalawak ng de-kalidad na pagbubukas, pagbabahaginan ng pagkakataon ng pag-unlad sa daigdig at pagpapasulong ng globalisasyon ng kabuhayang pandaigdig.


Sa kasalukuyan, unti-unting isinasakatuparan ang mga hakbangin na iniharap ni Xi sa mga nagdaang CIIE na gaya ng malayang sonang pangkalakalan sa Shanghai at pag-aalis ng mga limitasyon sa pagpasok ng pondong dayuhan sa industriya ng manupaktura.


Ang mga kompanyang Pilipino ay nakikinabang din sa CIIE.


Lumahok sa ika-7 CIIE ang 16 na kompanyang Pilipino para ipromote ang mga produkto ng bansa, na kinabibilangan ng durian, kape, banana chips, sariwang saging, at pinya.


Ang mga kompanyang Pilipino na kalahok sa Pabilyon ng Pilipinas sa Ika-7 CIIE ay ang mga sumusunod: Avante Agri-Products Phils Inc., BJM-Plouteo Agricultural Export Trading, Eng Seng Food Products, Fruta Asiatica Export and Agri-Trading, GERB Golden Hands Corporation, GSL Premium Food Export Corp., KUVI Integrated Farm, Lionheart Farms (Philippines) Corporation, Maylong Enterprises Corp., Mei He W-Plus Food Processing lnc., Profood International Corporation, Republic Biscuit Corporation (REBISCO), San Miguel Foods Inc., SQ Fresh Fruits Corp., Treelife Coco Sugar at W.L. Foods.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Frank