Sa kanyang mensahe, Nobyembre 2, 2024, kay Haring Felipe VI ng Espanya, bilang pakikiramay sa malaking kasuwalti na dulot ng malakas na ulan at baha, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ikinalulungkot niya ang grabeng kapinsalaan sa buhay at ari-arian sa bansa.
Sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayang Tsino at kanyang sarili, inihayag ng pangulong Tsinio ang pagdadalamhati sa mga biktima at pakikiramay sa kani-kanilang pamilya, at mga nasugatan.
Nananalig aniya siyang sa pamumuno ni Haring Felipe VI at pamahalaang Espanyol, mapagtatagumpayan ng mga apektadong tao ang kalamidad at muling maitatayo ang kani-kanilang tahanan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan