Kaugnay ng gawaing panlipunan, inihayag kamakailan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangulong Tsino, na ang mga gawaing panlipunan ay mahalagang bahagi ng gawain ng CPC at estado, at naiuugnay ito sa pangmatagalang katatagan ng estado, harmonya ng lipunan at masayang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Sinabi niya na sa kasalukuyan, ang istrukturang panlipunan ng Tsina ay dumaranas ng malalim na pagbabago, lalo na ang paglitaw ng maraming bagong organisasyong pangkabuhayan at panlipunan, at pagkakaroon ng mga bagong porma ng hanapbuhay.
Ito aniya ay nagiging bagong kalagayan at tungkulin para sa gawaing panlipunan ng Tsina.
Hiniling ni Xi sa mga hanay ng CPC sa iba’t ibang antas na maayos na isakatuparan ang mga patakaran at hakbangin ng CPC hinggil sa gawaing panlipunan.
Mula Nobyembre 5 hanggang 6, 2024, idinaos sa Beijing ang working meeting ng Komite Sentral ng CPC hinggil sa gawaing panlipunan.
Inilahad ni Cai Qi, Pirmihang Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, ang nabanggit na kautusan ni Xi sa pulong na ito.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil/Frank