Shanghai – Pormal ng binukasan ngayong araw sa publiko, Nobyembre 6, 2024, ang Pabilyon ng Pilipinas sa Ika-7 China International Import Expo (CIIE).
Dumalo sa seremonya ng pagbubukas at pagputol ng laso sina Jaime A. FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina; Dinno M. Oblena, Consul General ng Pilipinas sa Shanghai; Wang Liping, Director General ng Ministri ng Komersyo ng Tsina; Song Xuejun, Deputy Director General ng Ministri ng Komersyo ng Tsina; Philip C. Young, Assistant Secretary ng Kagawaran ng Agrikultura ng Pilipinas (DA); Larry Chan, Chairman ng Liwayway Marketing Corporation; Glenn Peñaranda, Commercial Counselor ng Philippine Trade and Investment Center-Beijing; Jerome D. Bunyi, Agriculture Counselor ng Embahada ng Pilipinas sa Tsina; at Malerna C. Buyao, Division Chief ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM).
Bitbit ang samu’t saring produkto, ibinabahagi at ipinagmamalaki ng 16 na Pilipinong eksibitor at eksporter ang pinakamasasarap, pinakakaaya-aya, at hindi makakalimutang karanasan para sa mga mamimiling Tsino.
Bilang isa sa mga pinakamahalagang kaganapang pangkalakalan ng Tsina, ang taunang CIIE ay umaakit ng mga mamimili at negosyante, hindi lamang sa loob ng Tsina, pati na rin sa labas ng bansa, kaya napakagandang okasayon ito para itaguyod at ipagmalaki ng Pilipinas ang mga produktong panluwas nito.
Sa kasalukuyan, ito ang ika-7 taong singkad ng paglahok ng Pilipinas sa CIIE.
Ulat/Video: Kulas
Pulido: Ramil