16 na kompanyang Pilipino, kalahok sa Ika-7 CIIE

2024-11-05 18:57:48  CMG
Share with:


Bubuksan bukas, Nobyembre 6, 2024, sa Hall 1.1 ng National Exhibition and Convention Center (NECC), Shanghai, gawing silangan ng Tsina ang Pabilyon ng Pilipinas sa Ika-7 China International Import Expo (CIIE).

 

Ipapakita ng 16 na kompanya ng pagkain mula sa delegasyong Pilipino ang malawak na hanay ng mga produkto ng bansa, na kinabibilangan ng durian, kape, banana chips, sariwang saging, pinya at marami pang iba.

 

Ang Puyat durian na itinuturing na pinakamasarap na uri ng durian sa Pilipinas ay magiging bida sa eksibisyon ng bansa, bilang tugon sa napakalaking pangangailangan ng durian sa merkadong Tsino.

 

Ang mga kompanyang Pilipino na kalahok sa Pabilyon ng Pilipinas sa Ika-7 CIIE ay ang mga sumusunod: Avante Agri-Products Phils Inc., BJM-Plouteo Agricultural Export Trading, Eng Seng Food Products, Fruta Asiatica Export and Agri-Trading, GERB Golden Hands Corporation, GSL Premium Food Export Corp., KUVI Integrated Farm, Lionheart Farms (Philippines) Corporation, Maylong Enterprises Corp., Mei He W-Plus Food Processing lnc., Profood International Corporation, Republic Biscuit Corporation (REBISCO), San Miguel Foods Inc., SQ Fresh Fruits Corp., Treelife Coco Sugar at W.L. Foods.

 

Ito ang ika-7 taong singkad ng paglahok ng Pilipinas sa CIIE.

 

 

Ulat/Video: Kulas

Pulido: Ramil