Mensaheng pambati kay bagong halal na Pangulong Trump ng Amerika, ipinadala ni Xi Jinping

2024-11-07 15:04:03  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati, ngayong araw, Nobyembre 7, 2024 sa pagkakahalal ni Donald Trump bilang pangulo ng Amerika, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na saksi ang kasaysayan sa kapuwa pakinabang ang Tsina at Amerika sa kooperasyon, at magdadala lamang ng pinsala sa dalawang bansa ang paglalaban.

 

Aniya, ang matatag, malusog at sustenableng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa at pag-asa ng komunidad ng daigdig.

 

Umaasa aniya siyang batay sa prinsipyo ng paggagalangan, may-harmonyang pakikipamuhayan, at win-win na kooperasyon, palalakasin ng magkabilang panig ang diyalogo’t pag-uugnayan, maayos na kokontrolin ang mga alitan, palalawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, hahanapin ang landas ng masaganang pakikipamuhayan sa makabagong panahon, at ihahatid ang benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, maging ng buong mundo.

 

Samantala, ipinaabot din ni Pangalawang Pangulong Han Zheng ng Tsina ang pagbati sa pagkahalal ni James David Vance bilang pangalawang pangulo ng Amerika.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio / Lito