Donald Trump, pormal na ininomina bilang kandidato sa pagkapangulo ng Republican Party

2024-07-16 18:18:29  CMG
Share with:

Pormal na ininomina kahapon, Hulyo 15, 2024 ng Republican Party ng Amerika si Donald Trump, dating pangulo ng bansa, bilang kandidato sa pagkapangulo sa 2024 halalang pampanguluhan.

 

Sa parehong araw, ipinatalastas din ni Trump na pinili niya si J.D. Vance, Senador ng Ohio State, bilang kanyang running mate sa halalan.

 

Ito ang ikatlong paglahok ni Trump, sa ngalan ng Republican Party, sa halalang pampanguluhan ng Amerika.


Salin:Ernest

Pulido:Ramil